Home/Mga Update ng WUD/Beta na ang WUD in the Woods
Mga Laro

Beta na ang WUD in the Woods

May gulo sa Wud. Kalalabas lang ng WUD in the Woods sa Beta: libreng pixel-art survival game kung saan tutulungan mo si Gav na ipagtanggol ang clearing laban sa walang-katapusang horde. Laruin sa website, mismo sa Discord o sa Telegram.

Nai-post noong

Paano siya laruin

Galaw ka lang. Kusang bumabaril ang mga weapon mo. Bawat level up, may tatlong upgrade na mapipili, kaya medyo iba ang bawat run. I-evolve ang mga weapon sa mas malakas na form at gastusin ang gold mo sa Armory sa pagitan ng mga run.

Bawat zone na bababain mo, mas mahirap, at mas malaki ang puntos ng bawat kalaban. Manatili para lumaki ang bonus mo, o bumaba para sa mas malaking score. Walang finish line. Gaano ka kalalim aabot?

Panoorin ang trailer

Ano ang laman

Ang mga $WUD holder ay may dagdag na rerolls, banishes, mas maraming gold at sarili nilang aura.

Laruin kahit saan

Sa Discord at Telegram, sa sarili mong profile ka magsisimula. I-connect mo ang wallet mo sa website nang isang beses at pareho na silang gagamit ng totoong account mo kasama ang holder perks: /woods connect sa Discord, /woodsconnect sa Telegram.

Beta pa lang ito

Subukan mo, mag-enjoy at sabihin sa amin ang iniisip mo. Malapit na ang WUD in the Woods Wiki, at mag-popost kami ng mas malaking update sa susunod. Hanggang doon, i-share mo sa mga kaibigan mo at hayaang kumalat.

Iba pang updates